Friday, February 24, 2006
ang pagbabasa
kasalukuyang nagbabasa ng paboritong libro ni hudas kaya inspired akong magsulat sa tagalog. ang ganda ng librong yun talaga. ang saya basahin. pero sa tingin ko, naweweirdohan na ang mga magulang ko at kapatid sa akin. concerned na siguro sa sanity ko. tuwing nagbabasa kasi ako, tatawa na lang ako ng basta basta sa mga joke at kung anong kababalaghan na ginagawa ni bob ong sa libro. sa tuwing tatawa ako, titingin sila sa akin at magtatanong ng "bakit ka tumatawa?" ayy...masaya magbasa ng libro kaya gustong-gusto ko. halos kahit anong libro, ayos lang sa akin. wag lang yung ubod ng kapal at liit ng sulat. o kaya mga horror stories. kailangan sa akin, ang libro maganda ang papel, ang font, ang font size, at ang spacing. kung pwede lang, wag newsprint ang papel o Times New Roman size 10 ang font ng libro. nakakaduling kasi yung ganon e. (hal. Lord of the Rings, ilang taon na ang nakalipas nang iregalo ito sa akin ng magulang ko, pero umiipon lang ng alikabok sa bookshelf ko). nakakatamad rin kasi basahin, pwera na lang kung maganda talaga yung storya, kagaya nung Da Vinci Code at Angels and Demons. kahit yung classics ok lang. kahit mahirap intindihin, pinagtiyatiyagaan ko na lang kasi maganda rin naman. kagaya na lang nung jane eyre. sigusigundo kailangan kong tumingin ng definition ng salita sa diksyunaryo. halimbawa na ang mga salitang 'expostulation', 'animadversion', 'sententious' at ang 'physiognomy', na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin. at isa pa 'to. ang daming French na salita. walangiya. kaya nga yung librong yun na ibinigay sa akin ng aking tita noong Disyembre, hindi pa rin nangangalahati. hay buhay. ang problema lang talaga sa libro, ang mahal! lalo na kung sa fully booked ka bibili. mga tatatlong daan na ata ang minimum na presyo ng libro ngayon. bawat piso kailangan ipunin mo talaga sa piggy bank, lalo na ngayong mahirap na talaga ang buhay at gipit sa pera. pero kung titingnan mo rin, worth it naman kasi may natututunan ka talaga sa pagbabasa. o cge...ako ay lilisan na...aalamin ko pa kung nakalabas talaga si bob ong sa gubat ng Camp John Hay..:)
written at 1:49 AM